275 KAWANING TINANGGAL NG BUCOR PWEDENG MAGREKOMENDA NG KAPALIT

PINAWI ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapàng Jr ang pangamba ng mahigit dalawang daang kawani ng ahensiya na matatanggal sa trabaho dahil sa kawalan ng civil service eligibility.

Kaugnay níto, hinikayat ni Catapang ang 275 na ineligible na kawani na irekomenda ang kanilang mga kaanak na mag-apply sa BuCor.

Tinitiyak ni Catapang na basta kuwalipikado sila sa posisyon ay paniguradong matatanggap sa ahensiya.

Unang kinumpirma ng BuCor na maaalis sa trabaho ang 275 na empleyado dahil hindi nakasunod sa itinatakda ng Civil Service law.
P ANTOLIN