LAGUNA- UMAABOT sa 275 senior citizens na may edad 80 hanggang 99 at nagdiwang ng kanilang kaarawan noong Abril, Mayo at Hunyo ang nakatanggap ng “Longevity Grant” mula sa lokal na pamahalaan ng Los Banos sa lalawigang ito.
Pinangunahan ni Mayor Anthony Genuino ang pagbibigay ng payout sa mga senior kung saan planong isagawa ang susunod na payout na gawing house-to-house upang hindi na mahirapan o kaya mapagod ang mga senior.
Plano rin ni Mayor Genuino na dagdagan ang mga programa sa susunod na payout tulad ng ballroom dancing at food distribution sa mga nakatatandang residente.
Kabilang sa programa ng Los Baños LGU na magpatayo ng Senior Care Center sa ilang bahagi ng nasabing bayan oara makapag-relax, makapag-exercise at iba pang leisure activities ang mga senior. MHAR BASCO