MANILA – NASABAT ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa piyer ang pake-paketeng shabu na may kabuuang bigat na 276 kilos.
Ang mga droga ay galing sa China at tinatayang aabot sa P1.8 bilyon ang halaga, kung dumating ito sa bansa nitong nakalipas na march 17, 2019, at ideneklara ng consignee na resin ang laman ng kontiner.
Sakay ito ng barkong Callao Bridge V145E na galing sa Ho Chi Minh City, Vietnam, at nadiskubre ito makaraang makatanggap ng report ang PDEA mula sa ibang bansa kaugnay sa illegal drugs na laman ng container.
Matapos ma-verify ng CIIS na positibo, agad na ipinag-utos ni MICP District Collector Atty. Erastus Sandino B. Austria sa kanyang mga tauhan ang x-ray examination, kasunod ang full physical examination sa container, sa harap ng mga tauhan ng PDEA, at Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon sa nakuhang impormasyon ng BOC, ang mga illegal drugs na-intercept ay minamadaling i-proseso ng isang customs broker na si Jane A. Castillo ng Sta. Lucia Street, Intramuros, Manila upang mailabas sa lalong madaling panahon .
Agad na inilipat o nai-turn over ng BOC ang mga naturang droga sa kamay ng mga taga PDEA, para sa proper handling of the substance and inves-tigation purposes. FROI MORALLOS