277 ILLEGAL FOREIGN WORKERS TIMBOG SA PASIG

Jaime Morente

UMAABOT sa 277 ang kabuuan ng mga dayuhang naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration  na resulta ng massive raid o tuloy-tuloy na pagsalakay ng mga ito sa Corporate Centre at Ortigas Center sa Pasig City.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang mga dayuhan ay naaresto sa operasyon ng Fugitive Search Unit (FSU) noong Setyembre 11 sa pakikipagtulungan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), Philippine National Police (PNP)  Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG), at ng Chinese Ministry of  Public Security (MPS).

Sa pahayag ni Morente, nakatanggap sila ng official communication mula kay Police Attaché Chen Chao ng Chinese Embassy rito sa Maynila na mayroong mga Chinese fugitives na nasa likod ng mga investment scam na nakabiktima ng libong katao ng tinatayang aabot sa 100 milyon RMB.

Ihinayag ni FSU Head Bobby Raquepo na ang kanilang isinagawang operasyon ay aksidenteng nakaaresto ng sinasabing bilang ng Chinese nationals habang nasa akto ng illegal on lines operations.

Sa kanilang isinagawang berepikasyon sa Chinese government, lumalabas na mga illegal alien ang mga ito dahil sa pagkakansela ng kanilang mga pasaporte ng Chinese government. FROI MORALLOS

Comments are closed.