NAKAPAGTALA ang Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni Director, Police Brigadier General Joselito T. Esquivel Jr. ng 2,780 katao na nahuli sa paglabag sa city oridinance sa loob lamang ng 24 oras.
Una na rito, ang La Loma Police Station (PS 1) sa ilalim ni PLTCOL Camlon Nasdoman ay nakahuli ng anim dahil sa jaywalking at 307 sa traffic violations.
Habang ang Masambong Police Station (PS 2) sa ilalim ni PLTCOL Rodrigo Soriano ay nakaaresto ng 26 katao a dahil sa drinking liquor sa public places, 107 chain smoking sa public places, 56 roaming halfnaked in public places, isa ang inaresto sa pag-ihi sa public place, 363 sa mga traffic violations at nasagip ang dalawang minors sa paglabag ng discipline hours.
Ayon sa Talipapa Police Station (PS 3) sa ilalim PLTCOL Alex Alberto, pito katao naman ang inaresto sa paninigarilyo, paglalakad ng walang saplot at 85 dahil sa mga traffic violations.
Ang Novaliches Police Station (PS 4) naman sailalim ni PLTCOL Rossel Cejas na may 27 katao na naitala sa drinking liquor in public places, 42 smoking in public places, 15 roaming half-naked in public places, (6) violation of anti-barker law, 206 para sa mga traffic violations at naka-pagsagip ng walong minors na lumabag sa discipline hours.
Habang ang Fairview Police Station (PS 5) sa ilalim ni PLTCOL Benjamin Gabriel Jr. na may 21 talaan sa smoking in public places at 229 para sa mga traffic violations.
Sa Batasan Police Station (PS 6) naman sa ilalim ni PLTCOL Joel Villanueva na may anim na naitala sa drinking liquor in public places, 15 smoking in public places, 14 roaming half-naked in public places at nasagip na 16 minors sa violating the discipline hours.
Kabilang sa police station ang sabay-sabay na nag-operate ay ang Cubao Police Station (PS 7) sa ilalim ni PLTCOL Giovanni Hycenth Caliao na may talaang 101 para sa smoking in public places.
Habang ang Project 4 Police Station (PS 8) naman sa ilalim ni PLTCOL Jeffrey Bilaro na may 67 katao na naitala sa jaywalking.
Ang Anonas Police Station (PS 9) sa illaim ni PLTCOL Cipriano Galanida na nakapagtala mg may 29 dahil sa smoking in public places, 20 jaywalking at 29 para sa mga traffic violations.
Ang Kamuning Police Station (PS 10) naman sa ilalim ni PLTCOL Louise Benjie Tremor na may naitalang (2) para sa drinking liquor in public places, 217 smoking in public places, 19 roaming half-naked in publicc places, 286 jaywalking at 225 para sa mga traffic violations.
Sa Galas Police Station (PS 11) naman sa ilalim pa ni PLTCOL Carlito Mantala na nakapagtala ng 65 jaywalking at 22 traffic violations.
Ang Eastwood Police Station (PS 12) sa ilalim ni PLTCOL Romulus Gadaoni na may naitalang (1) smoking in public place, 99 mga traffic violations at ma-rescue ang (4) na minors violating the discipline hours. PAULA ANTOLIN