27,968 BARANGAY DRUG-FREE NA

INIHAYAG ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na umabot na sa 27,968 na barangay sa buong bansa ang cleared na sa iligal na droga.

Batay ito sa isinagawang National Anti-Drug Campaign ng PDEA simula noong nakalipas na taon ng Hulyo 1, 2022 hanggang Nobyembre 30,2023.

Ayon sa datos ng PDEA, nasa P20.39-billion ang kabuuang halaga ng nakumpiskang illegal drugs tulad ng shabu, cocaine, ecstacy at marijuana.

May isang shabu laboratory at 811 drug den ang nabuwag sa iba’t ibang operasyon.

Samantala, nakapagtala ng 4,937 na high value target at 72,676 drug personalities ang naaresto ng PDEA sa 52,967 anti-drug operations na isinagawa nito sa buong bansa. EVELYN GARCIA