MAY 28 proyekto ng pamahalaan sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ program ang inaasahang makukumpleto sa 2022.
Ito ang inihayag ng National Economic Development Authority (NEDA) sa isinagawang pagdinig kahapon ng Senate Committee on Economic Affairs hinggil sa status, sustainability, at risks ng proyekto sa ilalim ng nasabing programa ng gobyerno.
Ayon kay NEDA Assistant Secretary Jonathan Uy, mula sa kabuuang 75 proyekto ng BBB, 28 ang nakatakdang matapos sa 2022.
“The agencies have committed to the administration that the 28 (projects) will be completed, this is about P319 billion out of the P2.17 trillion (budget for BBB),” ani Uy sa naturang pagdinig.
Sinabi pa ni Uy na dapat sana ay 31 proyekto ang makukumpleto sa 2022 subalit nabimbin ang tatlo dahil sumasailalim ang mga ito sa masusing pagririkisa.
“Bumaba (‘yung number) kasi there are three projects that are now coming back for further review. One is the Mindanao Rail project because of alignment and some technical considerations,” dagdag pa ni Uy.
Bukod dito, sinabi pa niya na tukoy na rin ng ilang kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ang 47 flagship programs na sinisimulan na ring ipatupad.
Napag-alaman pa sa pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Senador Win Gatchalian na ang ilan pang natitirang proyekto sa BBB ay nasa proseso na ng budgeting at appropriation, engineering at procurement at konstruksiyon.
Nilinaw ni Gatchalian na layon ng nasabing pagdinig na alamin ang financial requirements ng BBB, gayundin ang loans na pi-nasok ng gobyerno para mapondohan ang naturang programa.
“There is a need to closely monitor the debt obligations and modes of financing incurred and adopted by the Duterte administra-tion for its ‘Build, Build, Build’ program to ensure transparency, accountability, and prudent use of loans and other financing meth-ods utilized by the government,” giit ni Gatchalian.
Gayundin, tinalakay sa pagdinig ang Senate Resolution 628 upang i-assess ang posible impact ng loans sa ekonomiya at nation-al security ng bansa.
Anang senador, karamihan sa inaprubahang infrastructure projects ay pinondohan sa pamamagitan ng official development as-sistance na nagkakahalaga ng P1 trillion.
Sinabi rin niya na umabot sa P6.65 trillion ang kabuuang utang ng pamahalaan na naitala noong Disyembre 2017 samantalang nasa P329.05 billion ang inilaan para sa debt servicing na nakapaloob sa 2018 General Appropriations Act (GAA).
Dahil dito, nababahala si Gatchalian sa malaking halagang inutang ng pamahalaan para matustusan ang BBB projects. VICKY CERVALES
Comments are closed.