28 COLD STORAGE CHAIN PROVIDERS KOKONTRATAHIN PARA IMBAKAN NG VACCINES

ANTI-COVID VACCINES

DALAWAMPU’T walong cold chain providers ang kakausapin ng pamahalaan para may imbakan ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay testing czar at Bases Conversion and Development Authority president and CEO Vivencio Dizon, noong isang taon pa nila pinag-uusapan na dapat ay may tamang pasilidad na pag-iimbakan ang bakuna.

Una nang nabanggit ang Orca, Royal Cargo, at Zuellig.

“Currently, we have already talked with 28 cold chain providers and we’re also talking to five more,” ayon kay Dizon.

Aniya, kailangan ng “very special facilities” para sa bakuna na parating sa susunod na buwan.

Inaasahan din ni Dizon na kakausapin ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. at ng Department of Health ang mga kompanyang bibilhan ng bakuna,  gayundin ang Cold Chain Association of the Philippines, lalo na ang para sa mga dadalhin sa probinsya.

Ngayong araw, Enero 20, ay bibisitahin ni Galvez at ng mga miyembro ng National Task Force Vaccine Cluster ang iba’t ibang pasilidad.    EVELYN QUIROZ

Comments are closed.