KARAGDAGANG 28 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang bagong gumaling sa COVID-19 kung kaya’t umabot na sa 6,123 kabuuang bilang ang naka-recover dito at na-discharge na sa ospital.
Gayunpaman, napaulat din na may lima pang OFWs na nagpositibo sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang kahapon, umakyat na sa 10,067 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 73 na bansa at rehiyon.
Sa naturang bilang, 3,189 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital at wala naman na napaulat na nasawing OFW.
Dahil dito, nanatili sa 755 ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OFWs sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,968 na kaso sumunod ang Europa na may 1,165 kumpirmadong may COVID-19 gayundin, 795 naman ang kaso sa America at 1,139 sa Asia Pacific Region.
Siniguro naman ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang tulungan ang mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic. LIZA SORIANO
Comments are closed.