ISABELA – DALAWAMPU’T WALONG cadet officers ng Reserve Officer’s Training Corps (ROTC) kabilang ang 10 babae ang umano’y nalason sa kanin sa isang unibersidad sa lalawigang ito.
Ayon kay Dr. Quirino Parallag, campus administrator ng Isabela State University Roxas Campus, na lumabas sa kanilang pagsisiyasat na ang kinaing na kanin ng mga cadet officer ay mayroong kakaibang amoy na nagdulot ng kanilang sabay-sabay na pananakit ng tiyan.
Sa mga magulang ng mga biktima ng food poisoning, tiniyak naman ni Dr. Parallag na walang dapat ipag-alala sa kanilang mga anak dahil may mga insurance naman ang mga ito at ang sasagot sa mga gastusin ay ang pamunuan ng university.
Tiniyak naman ni Parallag na wala nang dapat pang ipag-alala sa kalagayan ng kanilang mga cadet officer ng ROTC dahil nasa mabuti nang kalagayan ang mga ito.
Inatasan din ang tagapagluto o kusinero na maging maingat na ito sa kanilang pagluluto upang maiwasan na umano ang ganitong mga pangyayari sa loob ng kanilang university. IRENE GONZALES
Comments are closed.