Nakapagtala ng 280 pasyente na gumaling mula sa coronavirus disease sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH) araw ng Martes, Agosto 11.
Sa kabuuan ay umabot na sa 68,432 ang total COVID-19 recoveries sa Filipinas.
Umaabot naman sa halos 140,000 ang kabuuang kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa.
Batay sa case bulletin no. 150 na inilabas ng DOH hanggang 4:00PM ng Agosto 11 ay nakapagtala pa sila ng 2,987 bagong kaso ng sakit, sanhi upang umabot na sa 139,538 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.
“As of 4PM today, August 11, 2020, the Department of Health reports the total number of COVID-19 cases at 139,538,” anang DOH. “A total of 2,987 confirmed cases are reported based on the total tests done by 74 out of 99 current operational labs.”
Pinakamarami pa ring naitalang bagong kaso sa National Capital Region na umabot sa 1,510 new cases.
Sinundan ng Cavite na may 398 new cases, Laguna na may 144 new cases, Iloilo na may 135 new cases, at Cebu na may 119 new cases.
Mayroon namang 19 na naitalang namatay sa virus.
“Of the 19 deaths, 8 (42%) in August, 7 (37%) in July, 1 (5%) in June, and 3 (16%) in April,” anang DOH.
Sa mga namatay, pito o 37% ang mula sa NCR; anim o 32% mula sa Region 7; tatlo o 165 mula sa Region 4A ; isa o 5% ang mula sa Region 6; isa o 5% mula sa Region 1 at isa o 5% ang repatriate.
Sa kabuuan, mayroon nang 2,312 ang COVID-19 death toll sa Filipinas. Ana Rosario Hernandez
Comments are closed.