(2,809 quarantine violators nasakote) 44 NALAMBAT SA ANTI-CRIMINAL DRIVE

CAVITE – UMAABOT sa 44 suspek na sangkot sa ibat ibang krimen ang nasakote habang 2,809 quarantine violator ang nalambat sa isinagawang anti- criminality drive sa loob lamang ng 24-oras kahapon.

Base sa police report mula sa Camp Pantaleon Garcia, umabot sa 9 drug traders ang nasakote ng mga operatiba sa pitong buy-bust operations kung saan nasamsam ang 12 plastic sachets ng shabu at mga drug paraphernalia.

Dalawa naman most wanted person na may warrant of arrest sa kasong 2 counts of rape sa Trece Martires City, Cavite at paglabag sa RA9003 (Ecological So­lid Waste Management Act of 2000) sa bayan ng GMA ang naaresto.

Sumunod na na­lambat ay ang 30 katao na naaktuhan sa illegal cock fighting sa mga lungsod ng Imus, Dasmarinas, Bacoor, at sa bayan ng Tanza, Cavite kung saan nasamsam ang P11,698.00 bet money.

Inaresto rin ang 3 suspek sa mga kasong grave threat sa General Trias City, hacking sa bayan ng Ternate at kasong pagnanakaw sa Bacoor City habang 2,809 violator ng quarantine ang nalambat dahil sa walang face mask, improper wearing of face mask, social distancing at curfew hours. MARIO BASCO