(28,247 drug cleared barangays naitala) P31.98-B DROGA NASAMSAM NG PDEA

IPINAGMALAKI kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency na umabot sa P31.98 bilyon ang halaga ng iligal na droga ang nasamsam base sa mula Hulyo 1, 2022 hanggang Enero 31, 2024.

Sa datos ng PDEA, ang naitalang bilang ay mula sa National Anti-Drug Campaign na kung saan umaabot na sa mahigit 5,366 high value individuals ang kanilang nadakip.

Pinakahuling napasama sa listahan ng PDEA ang isang Ranel David, 36-anyos ng Sitio Agkuyapnit na nadakip ng mga operatiba ng PDEA Aklan Provincial Office, katuwang ang PDEA Capiz at Altavas Municipal Police Station Special Drug Enforcement Team (SDET), kasunod ng isinagawang buy-bust operation sa Sitio Agkuyapnit, Barangay Talon, Altavas Aklan.

Nadagdag din sa listahan si Agnes Labrador Ricablanca @ Aking, 46-anyos na kabilang sa Regional Target Listed Drug personality na nadakip kasama ng apat na iba pa sa sinalakay na drug den sa Barangay Matina Aplaya, Davao City ng mga tauhan ng Regional Special Enforcement Team (RSET) ng PDEA Regional Office XI, National Bureau of Investigation (NBI-SEMRO XI), NISG Eastern Mindanao, Philippine Navy Eastern Mindanao at Police Precinct 8 (Toril Police Station).

Batay sa accomplishment report ng PDEA, mula Hulyo 1, 2022 hanggang Enero 31 ng taong ito, nasa P31.98 bilyon ang kabuuang halaga ng iba’t ibat uri ng droga na ang kanilang narekober kabilang dito, ang shabu nasa 4,317.46 kilograms, cocaine nasa 50. 47 kgs , ecstacy na nasa 54,013 tableta at marijuana na umaabot sa 3,197.19 kilos.

At umabot naman sa bilang ng 28,247 ang naitala drug cleared barangay ng PDEA, habang ang mga affected barangay ay bumaba sa 7,264; may isang clandestine drug laboratory ang na-dismantled habang umaabot naman sa 856 drug dens ang kanilang nawasak,.

Nasa 79,841 naman ang nadakip na drug personalities sa loob ng kanilang inilunsad 58,596 ang anti-narcotics operation. VERLIN RUIZ