283 EMPLEYADO TUMANGGAP NG LOYALTY AWARD SA MAYNILA

Manila City Hall

GINAWARAN ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ng loyalty award ang 283 City Hall employees kasabay na rin ng pagdiriwang ng ika-447 Araw ng Maynila na ginanap sa Bulwagang Villegas.

Kabilang dito ang tatlong empleyado na ginawaran ni Manila Mayor Joseph Estrada ng Special Mayor’s Award at binigyan ng P10,000 cash habang 10 sa kanila ang pinangalanan bilang Most Outstanding Employees.

Certificates of loyalty award naman ang iginawad sa 270 empleyado para sa kanilang sipag at dedikas­yon sa serbisyo publiko at pawang namamasukan sa city government ng higit sa 30 taon.

Ayon kay Estrada, ang nasabing awarding cere­mony ay isang simpleng pa­raan ng lokal na pamahalaan upang ipakita ang pasasalamat nito sa tagal at husay ng serbisyo ng mga natatanging city government employees.

Ang tatlong empleyadong ginawaran ng Special Mayor’s Award na P10,000 cash ay sina Engr. Lorenzo B. Alconera, OIC-Department of Engineering & Public Works; Dra. Merle Sacdalan-Faustino, OIC-Hospital Director of Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH); at si Atty. Fortune O. Mayuga, Director of Bureau of Permits.

“As model employees, you are now in a position to inspire others. We need people like you to show your co-employees how much can be accomplished with hard work, commitment, integrity, dedication, and the right attitude,” wika ni Estrada.

Hinimok pa ng alkalde ang lahat ng empleyado na ipagpatuloy ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga Manilenyo upang mas maging maayos ang kinabukasan ng lungsod. PAUL ROLDAN

 

Comments are closed.