285 PNR WORKERS POSITIBO SA COVID-19

positive

AABOT sa 285 manggagawa ng Philippine National Railways (PNR) ang nagpositibo sa COVID-19.

“’Yung ating huling bilang na 261, ngayon po ay 285 na at continuing po ang ating testing lalo na sa passenger-facing employees,” ayon kay Atty. Celeste Lauta, spokesperson ng PNR.

Sa 285, 58 sa mga ito ay humaharap sa mga pasahero.

“Karamihan naman po ay non-passenger facing,” ayon kay Lauta.

May mahigit 1,700 personnel ang PNR, kabilang ang mga mula sa mga service provider, ani Lauta.

Tiniyak ni Laute sa mga pasahero ng PNR na ang bawat tren ay maayos na nadi-disinfect pagkatapos ng bawat biyahe.

“Kaya tayo nagko-conduct ng random testing sa ating mga pasahero ay para makita natin ‘yung data or ‘yung sample namin kung meron nang mga positibo sa aming mga mananakay,” dagdag pa niya. LIZA SORIANO