286 PROV’L BUS BALIK PASADA, 12 RUTA BUBUKSAN SIMULA SET. 30

BUS-METRO

BUBUKSAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 12 modified provincial bus routes para serbisyuhan ang mga pasahero na papasok at palabas ng Metro Manila at Regions 3 at 4-A, simula Setyembre 30.

Sakop ng12 modified routes ang may 286 bus units. Base sa Memorandum Circular No. 2020-051 ng LTFRB, ang pub-lic utility buses (PUB) sa nasabing12 ruta na may  valid at existing Certificate of Public Con-venience (CPC) o Application for Extension of Validity, at registered Personal Passenger Insurance Policy para sa bawat unit ay papayagang bumiyahe nang walang Special Permit (SP).

Kapalit ng SP ang QR Code na maaaring i-download sa website ng LTFRB at dapat na i-print ng operator sa isang short bond paper at i-display sa harap ng windshield ng authorized unit.

“Bukod pa rito, may requirement ang mga operator na maglagay ng Global Navigation Satellite System para ma-monitor ang pagbiyahe ng mga naturang PUBs,” sabi ng LTFRB.

Ang 12 modified provincial bus routes na bubuksan alinsunod sa MC 2020-051ay San Fernando, Pampanga – Araneta Center, Cubao, Quezon City; Batangas City, Batangas – Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx) Lemery, Batangas – PITx; Lipa City, Batangas – PITx; Nasugbu, Batangas – PITx; Indang, Cavite – PITx; Mendez, Cavite – PITx; Tagaytay City, Cavite – PITx; Ternate, Cavite – PITx; Calamba City, Laguna – PITx; Siniloan, Laguna – PITx; at Sta. Cruz, Laguna – PITx.

Comments are closed.