LABING-ISA ang bagong napaulat na gumaling na Filipino sa coronavirus disease (COVID-19) sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang Linggo, Hunyo 21, umakyat na sa 2,862 ang overseas Filipino na nakarekober sa COVID-19.
Umaabot naman sa 6,141 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Pinoy mula sa 53 mga bansa, 2,783 sa mga ito ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Isa naman ang iniulat na pumanaw kaya 496 na ang COVID-19 related deaths sa mga Pinoy abroad.
Nananatiling ang Middle East at Africa ang may pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na Pinoy na nasa 3,945 na kaso.
Sumunod ang Europe na may 937 confirmed COVID-19 positive cases, 685 sa America at 574 sa Asia Pacific Region.
Comments are closed.