287 KASO NG COVID-19 NAITALA SA CALABARZON

UMABOT na sa 287 na bagong kaso ng CO­VID-19 ang naitala ng DOH- Calabarzon sa rehiyon kahapon.

Nabatid na ikatlong sunod na araw na ito na patuloy na tumataas ang bilang ng mahigit sa 200 kaso mula sa 56 nitong nagdaang linggo.

Nauna rito , sinabi ng DOH na maaari pang tumaas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa mga susunod na araw kung patuloy ang maluwag na sistema ng protocol sa mga lalawigan na sumasakop sa rehiyon.

Sinabi ng ilang opisyal ng DOH sa rehiyon na maaari umanong super spreader na ng virus ang isang tao ng hindi niya namamalayan dahil sa walang monitoring sa galaw ng mga indibiduwal.

Idagdag pa umano rito ang napakaluwag na quarantine na hindi na nasusunod ang mga polisiya ng IATF.

Sinabi pa ng mga eks­perto na maaaring nasa paligid pa rin ang virus at hindi pa lubos o tuluyang nawawala at bagkus na dumadami dahil sa nawalan na ng interes ang publiko na gawin ang mahigpit na pag-iingat.

Sa lungsod ng San Pab­lo, Laguna tumaas pa ang kaso ng COVID- 19 dahil sa patuloy na paglabag sa kautusan hinggil sa social distancing at health protocols. ARMAN CAMBE