Karagdagan pang 287 pasyente ang iniulat ng Department of Health (DOH) na gumaling na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dahil dito, aabot na ngayon sa 67,117 ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng nakarekober mula sa virus sa bansa.
Samantala, umakyat na rin naman sa 126,885 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19.
Batay sa case bulletin na inisyu ng DOH, nabatid na hanggang 4:00PM ng Hulyo 8 ay nakapagtala pa ang DOH ng 4,226 na mga bagong kaso virus infection.
Karamihan ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region (NCR) na umabot sa 2,669 new cases.
Sinundan ito ng Laguna na may 285 new cases, Cavite na may 154 new cases, Cebu na may 125 new cases, at Rizal na may 118 new cases.
May 41 ang naitalang nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa 41 na nasawi, 14 ay ngayong Agosto, 16 noong Hulyo, 5 noong Hunyo, 1 noong Mayo, 3 noong Abril at 2 noong Marso.
Sa ngayon, umakyat na sa 2,209 ang total COVID-19 death toll sa Pilipinas. Ana Rosario Hernandez
Comments are closed.