MULING nadagdagan ang bilang ng tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Filipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa pinakahuling datos ng DOH, hanggang alas-4 ng hapon ng Hunyo 19, umabot na sa 28,459 ang confirmed cases ng nakahahawang sakit sa bansa.
Ayon sa DOH, 661 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 460 ang “fresh cases” habang 201 ang “late cases.”
Sa fresh cases, 277 ang mula sa National Capital Region (NCR), 21 sa Region 7 at 162 sa ibang lugar.
Sa late cases naman, 40 ang mula sa NCR, 103 mula sa Region 7 at 58 sa iba pang lugar.
Nasa 14 na pasyente naman ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,130 na.
Ayon pa sa DOH, mayroong 288 pang gumaling sa nasabing sakit.
Dahil dito, umakyat na sa 7,378 ang total recoveries ng COVID-19 sa Filipinas. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.