28K FFPs IPAPAMAHAGI NG DSWD SA MAYON EVACUEES

ALBAY- NAKATAKDANG ipamahagi ng Department of Social Welfare and Development( DSWD) Bicol Regional Office ngayong Linggo ang mga food packs sa lalawigang ito na patuloy nananatili sa evacuation centers sa lugar.

Ayon sa DSWD, ang ikalawang yugto ng pamamahagi ng family food packs (FFPs) katuwang ang local government units (LGUs) ng Albay ay para sa mga pamilyang apektado sa pagputok ng Bulkang Mayon.

Tinatayang aabot sa nasa 28,810 FFPs ang inilabas ng Field Office par sa mga pamilyang nananatili sa evacuation centers na maaring umabot sa 15 araw na food supply para sa lalawigan.

Patuloy ang paghahatid ng tulong sa mga apektado at maging sa kanilang kabuhayan. PAULA ANTOLIN