UMABOT na sa 17, 900,833 ang naitala na nagparehistrong mag-aaral mula Hulyo 25 para sa Agosto 22 o takdang opening ng face to face clases.
Base ito sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) para sa 2022-2023 school year.
Ayon sa Department of Education (DepEd), pinakamarami ang nakapagtala sa Calabarzon lV-A na
Umabot sa 2,604,227 sumunod ang Region lll na nasa 2,046,017 at National Capital Region (NCR) na may 2,020,134.
Dagdag ng kagawaran, magpapatuloy ang enrollment hanggang sa araw ng f2f clases sa Agosto 22.
Sa inilabas na klasipikasyon ng DepEd, mayroong umanong tatlong pamamaraan sa pagpapatala : in-person, remote at dropbox enrollment.
Dagdag pa umano rito ang Alternative Learning System (ALS) learners ay maaari na rin magpatala nang in-person o digital.
Samantala, sinabi ni Atty. Michael Poa, tagapagsalita ng DepEd, target nila ang 28 million enrollees sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Elma Morales