NASA 28 million Subscriber Identity Module (SIM) cards na ang nakarehistro hanggang kahapon, February 5, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy, may 150 million SIM cards ang inisyu ng telecommunications companies, subalit may mga bumili ng prepaid SIM cards, tulad ng scammers, na gjnamit ang naturang cards ng isang beses lamang at pagkatapos ay itinapon ito.
“Hindi natin currently alam kung ilan sa 150 million [SIM cards] ang ganu’ng klase. More or less 120 million SIM cards ang matitira na kailangang marehistro,” aniya.
Ang IRR ng SIM Card Registration Act ay nagkabisa noong December 27, makaraang lagdaan ito bilang batas ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong nakaraang October.
Ang mga user ay binibigyan ng 180 araw para iparehistro ang kanilang SIM cards.