(29 cyber criminals arestado) PUBLIKO INALERTO VS LOVE SCAM

NGAYONG buwan ng mga Puso at Valentine’s Day bukas, pinaigting pa ng Philippine National Police (PNP) ang mga paalala sa publiko lalo na sa mga kababaihang naghahanap ng relasyon at pagkakaroon ng kapareha na mag-ingat laban sa mga cyber criminals.

Iniulat ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sa Monday regular press conference na tumaas ang kaso ng cybercrime mula Enero 1 hanggang Pebrero 8 ngayong taon.

Sa datos ng PNP-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), pumalo sa 29 cyber criminals o mga kriminal na nagtatago gamit ang internet at social media ang naaresto.

Nasa 15 entrapment operation din ang isinagawa ng PNP-ACG at laganap din ang cybercrime kasama ang 749 kaso ng online scamming , 368 illegal access at 147 kaso ng online libel.

Sinabi ni Acorda, ang nasabing datos na ang nagpapatunay na existing o nagaganap ang digital online panggagantso kaya dapat mag-ingat.

“ As we celebrate the month of February, dedicated to love, it is crucial to remain vigilant in the realm of cybercrime and protect ourselves and our loved ones from falling victim to loves scams,” ani Acorda.

Dahil dito, hinikayat ni Acorda ang publiko na unahin ang kaalaman sa digital safety at maging mapagbantay.

“Let us prioritize education on digital safety and stay vigilang,” diin pa ni Acorda.
EUNICE CELARIO