(29 landslides sa Baguio City naitala) 30K FAMILY FOOD PACKS SA BIKTIMA NI FABIAN AT HABAGAT

AABOT sa 30,000 family food packs ang ilalabas ng Department of Social Welfare and Development- Cordillera Administrative Region (DSWD-CAR) para sa biktima ng Bagyong Fabian at ng Habagat sa katatapos na linggo.

Sinabi ni Albert Mogol, regional director ng Cordillera Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) and Office of Civil Defense, batay sa report na kanyang natanggap, nag-allocate na ang DSWD 22,151 family food packs sa regional warehouse sa La Trinidad, Benguet; 2,000 sa Abra; 1,926 sa Apayao; 1,234 sa Ifugao; 1,343 sa Mountain Province at 1,189 sa Kalinga.

Ang halaga ng nasabing pagkain ay nasa P15.06 million.

Ang bawat supot ng pagkain ay mayroong bigas, kape, delata, karne norte at noodles.

Naghanda na rin ang DSWD ng 2,000 packs ng ready-to-eat food gaya ng “champorado” at arroz caldo.
Para sa mga lilikas, naka-standbye na rin ang 185 tents; 500 modular tents; 2,470 boxe ng sleeping kits; 1,490 boxes of family kits; 642 sets of hygiene kit; 1,252 boxes of kitchen kits; 34 rolls of laminated sacks at 10,953 pieces ng “malong”.

Iniulat din ni Mogol na hatinggabi noong Sabado, Hulyo 25, ay maroon nang 31 pamilya o 129 katao na lumikas mula sa kanilang tahanan dahil sa matinding pag-ulan at hangin na resulta ng “Habagat” na pinalakas ng Bagyong Fabian kahit lumabas na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Labing-isang pamilya naman ang dinala sa mga evacuation center sa iba’t ibang lugar sa Benguet, Kalinga, at Mt. Province habang 20 pamilya ay naghanap ng masisilungan sa kanilang mga kaanak.

Samantala, limang bahay naman sa CAR ang tuluyang nawasak, 16 ang maaari pang kumpunihin.
Iniulat naman ng Baguio City Disaster Risk Reduction Management Council, mayrong 27 insidente ng pagguho sa kanilang lungsod, mayroong 42 families o 171 katao ang apektado ng pag-ulan, siyam na pamilya ay nasa evacuation center habang ang 33 ay nasa mga kaanak. EUNICE CELARIO

5 thoughts on “(29 landslides sa Baguio City naitala) 30K FAMILY FOOD PACKS SA BIKTIMA NI FABIAN AT HABAGAT”

  1. 172451 352101Oh my goodness! a fantastic write-up dude. Thanks a good deal Nonetheless We are experiencing trouble with ur rss . Do not know why Not able to sign up to it. Possibly there is anybody getting identical rss dilemma? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 255282

Comments are closed.