29 TULAK TIKLO SA P414K SHABU

shabu

CAVITE – AABOT sa 29 drug pushers ang nasakote ng mga operatiba ng drug enforcement team ng Cavite Police makaraang nakumpiskahan ng P414K halaga na shabu sa isinagawang magkakasabay na anti-drug operation sa tatlong bayan at limang lungsod sa lalawigang ito kahapon ng madaling araw.

Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, isinagawa ang drug bust operation sa mga barangay  Malagasang 1G at 2E sa Imus City kung saan nasakote ang mga suspek na sina Junior Borja y Retobado, Melvin Eugenio y Jacobo, Nico Rosalano y Sulayaw, Rhett Victorino y Tayuni, at Ermin Nato y Camerino, alyas Minggoy na nakumpiskahan ng 7 plastic sachets na shabu at P600 marked money.

Isinagawa rin ang drug bust operation sa Barangay Zapote 5 sa Bacoor City kung saan naaresto ang mga suspek na sina Leon Tria y Dee, Cecilia Nunez y Tapales, Charles Gonzaga y Balgolan, Dante Gabiola y nYapac, Jack Raymond Magayes y Nuguid,Vincent Bautista y Trinidad, Jomar Cosme y Anasco,Louie Corpuz y Flores, Samuel De Jesus Jr. y Arguilles at Rea Galino y Fortun na pawang nasamsaman ng 21 plastic sachets na shabu at P200 marked money.

Samantala, nalambat naman sa Barangay Kanluran sa bayan ng Kawit ang suspek na si Esmeralda Cajulis y Handog kung saan narekober ang 4 plastic sachets na shabu at P500 marked money na ginamit sa buy-bust operation habang si Efrilito Miranda y Namuco na nasakote sa bahagi ng Brgy. Balsahan, Kawit kung saan nakumpiska ang 4 plastic sachets na shabu at 500 marked money.

Arestado rin sa buy-bust operation sa Brgy. Mataas na Lupa, Indang ang mga suspek na sina Randy Lopera y Luna, bus driver, ng Brgy. Alapan 1-A, Imus City; Julius Estremos y Reusora, bus conductor, ng Brgy. Conchu, Trece Martirtez City at si Lemuel Layag y Lustre ng Brgy. Malagasang 11-B, Imus City na pawang nakumpiskahan ng 8 plastic sachets na shabu at  P600 marked money na ginamit sa anti-drug operation.

Ang mga suspek na sina Helen Quiatchon y Torralba, Aubrey Dantes at Kim Palabrika y Quitchon ay naaresto ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa Brgy. Sampaloc 2, Dasmarinas City kung saan nasamsam ang 5 plastic sachets ng shabu at P200 marked money habang sina Gilbert Castro y Miranda, Shenalyn Escal y Escosura, Joey Pena y Reyes, at si Francisco Osmena y Pagkaliyagan na naaresto sa Brgy. Calimag, General mariano Alvarez ay pawang nakumpiskahan ng 8 plastic sachets na shabu habang si Mark Bisente y Sintos ay nasakote rin sa Barangay 9, Cavite City na nakumpiskahan ng 3 plastic sachets na shabu.

Gayundin si Mark Jan Austria y Medallada ng Brgy. Manggahan na nakumpishan ng 1 plastic sachet sa isinagawang “Oplan Sita” sa Brgy. Tejero, General Trias City kung saan umaabot sa kabuuang 61 plastic sachets na shabu ang narekober sa mga suspek at may street value na P414, 800.00. MHAR BASCO

Comments are closed.