NASA 290 pasyente ang nadagdag na gumaling sa coronavirus disease (COVID-19) araw ng Martes, Setyembre 29.
Dahil dito, umakyat na sa 252,930 ang total recoveries ng COVID-19 sa Filipinas.
Nasa 2,025 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) ay umabot na sa 309,303 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 50,925 ang aktibong kaso, 86.5 porsyento rito ang mild; 8.8 porsiyento ang asymptomatic; 1.4 porsiyento ang severe habang 3.3 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 68 ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 5,448 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Comments are closed.