294 LUGAR SA NCR NASA GRANULAR LOCKDOWN

UMAABOT sa 294 lugar sa National Capital Region (NCR) ay isinailalim sa granular lackdown noong Linggo.

Base sa ulat ng PNP na inilabas kahapon, ang mga lugar na “lockdown” na nasa Metro Manila ay kinabibikangan ng 151 barangays sa 10 lungsod at munisipalidad.

Sa datos naman ng pulisya,naka-lockdown ang tinatayang aabot sa 193 kabahayan, 39 ang residential buildings, 30 mga kalsada, 18 bahay sa subdivisions at 14 naman sa residential buildings.

Gayunpaman, nagpakalat na ang pulisya ng 698 personnel at 933 force multipliers upang masiguro ang seguridad at health standards sa mga nasabing lugar.

Magugunita na sinabi ni Metro Manila Council Chairman Edwin Olivarez, isinasailalim sa lockdown ang isang bahay o condominium floor kapag may isang kaso ng COVID-19.

Inila-lockdown din ang kahabaan ng kalsada sa isang barangay kapag may nagpositibo ng dalawang kaso ng COVID-19 dahil ito ay classified areas na “critical zones” base sa anunsiyo ng local government unit (LGU). MHAR BASCO

144 thoughts on “294 LUGAR SA NCR NASA GRANULAR LOCKDOWN”

Comments are closed.