295 COPS PA MAY COVID-19

SUMIPA sa 552 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Ito ay nang maitala ng PNP-Health Service na 295 pulis ang nagka-COVID-19, batay sa kanilang datos hanggang kahapon.

Dahil sa panibagong malaking dagdag, pumalo na sa 42,645 na ang kabuuang kaso habang wala pang isang linggo ay lumobo sa 552 ang aktibong kaso mula sa dating 12 lamang.

Tatlong pulis lang ang gumaling kaya ang kabuuang recoveries sa PNP ay 41,968 habang nananatili sa 125 ang nasawi mula noong Nobyembre 10, 2021.

Samantala, 215,375 pulis na ang fully vaccinated, 8,456 pa ang naghihintay ng ikalawang doses habang 1,523 pang pulis ang hindi nababakunahan dahil sa pagkakaroon ng medical condition at paniniwala.
EUNICE CELARIO