MAYROON pang 295 na pulis ang panibagong dinapuan ng COVID-19, ayon sa Philippine National Polcie (PNP)-Health Service.
Ang nasabing bilang ay naitala kahapon, Enero 17, kaya ang kabuuang kaso ng coronavirus disease sa police force ay nasa 3,982 na.
Dahil sa panibagong kaso, pumalo na sa 45,542 ang kumpirmadong kaso nito sa PNP habang mayroong 341 pulis na gumaling kaya ang kabuuang recoveries mula March 2020 ay nas 41,435 na.
Simula Nobyembre 10, 2021, ay hindi na nadagdagan pa ang 125 deaths sa organisasyon. EC