(2,956 pulis na may kamag-anak na kandidato) REASSIGNMENT SA PNP PERSONNEL IKINASA

IPINAG-UTOS ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Benjamin Acorda Jr. ang paglilipat ng assignment ng mga pulis na may kamag-anak na kandidato sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.

Partikular na tinukoy ni Acorda ang mga pulis na naka-assign sa lugar na mayroon siyang kamag-anak na hanggang 4th degree consanguinity.

Bago ang direktiba, binusisi ni Acorda ang personnel records ng kanyang mga tauhan at natukoy na mayroong 2,956 PNP personnel ang may kamag-anak na kandidato.

T”hese personnel have been issued reassignment orders to prevent any undue influence or compromise of the electoral process. They will be reassigned to non-election-related duties until the elections conclude,” ayon sa pahayag ng PNP.

Paliwang ni Acorda, mahalaga ang pagpapanatili ng public safety and peace sa panahon ng kampanya at election.

“To uphold the trust of the people, it is crucial that we act with utmost integrity, neutrality, and dedication to the law,” ayon kay Acorda.

Ang reassignment o detail ng PNP personnel ay hindi pinapahintulutan mula August 28 hanggang November 29, 2023 subalit nakipag-ugnayan na ang PNP sa Commission on Elections (COMELEC) kaugnay sa hinaharap na future reassignments.

Magugunitang ni-recall na rin ng PNP ang 679 protective security personnel o police escorts sa buong bansa. EUNICE CELARIO