MAY natira pang 129,000 sako ng government rice na ipinamahagi ng National Food Authority (NFA) sa Negros Occidental hanggang Huwebes.
Sinabi ni Provincial manager Frisco Canoy na ang natitirang buffer stocks na nakahanda para sa release hanggang ngayong Agosto ay bahagi pa rin ng import allocation mula sa Myanmar at Vietnam.
“We have not received new instructions from the central office about the distribution of the remaining buffer stocks. Unless there is an order to stop the distribution, then we will continue to do so,” sabi niya.
Sinabi ni Canoy na ang nagprograma ay NFA-Negros Occidental ng distribusyon ng 30,000 to 35,000 sako ng PHP27 bawat kilo ng bigas sa 160 na accredited outlets bawat buwan.
Noong Disyembre 30, may total na 79,000 sako mula Vietnam na dumating sa Bredco port sa probinsiya.
Gayundin, 160,000 sako ng bigas mula Myanmar ay ipinadala sa Negros Occidental noong Nobyembre.
Simula nitong Marso 5 ngayong taon, tinanggal ng Republic Act 11203 o ang Rice Import and Export Liberalization Law ang regulatory functions ng NFA sa international at domestic trading ng bigas.
Lahat ng provincial offices, kasama ang NFA-Negros Occidental, ay hindi puwedeng makialam sa licensing at registration ng mga tao at kompanya na nasa grains business, at koleksiyon ng regulatory fees.
Sa ngayon, sinabi ni Canoy na ang demand para sa NFA rice sa lokal na merkado ay nananatili dahil ang accredited retailers ay tuloy pa ring naka-pagbebenta ng kani-kanilang alokasyon.
Marami pa ang kumokonsumo ng “cheaper yet quality” government rice, sabi niya.
“We have noted that some imported rice sold in the market still cost up to PHP35 per kilo thus, consumers still opt to buy the PHP27 per kilo of NFA rice,” ani Canoy.
Sinabi niya na matapos na maipamahagi ang lahat ng naka-stock na bigas, magpopokus naman sila sa buffer stocking para sa emergency at kapag may kalamidad. PNA