29M FB ACCOUNTS  NA-HACK

FB HACKED

KINUMPIRMA ng Facebook na mayroong 29 milyong accounts ang nanakawan ng impormasyon ng hackers.

Ayon sa Facebook, dalawang linggo na ang nakalipas sa nangyaring security breach kung saan ay umaabot na sa milyon-milyong accounts ang na-access ng hackers.

Nabatid na noong pumutok ang ulat, hindi pa mabatid ng Facebook kung ilang accounts ang apektado.

Ayon sa Facebook, nasa 50 milyong accounts ang maaaring na-hack, subalit hindi tiyak kung ang mga ito ay na-misuse o nagamit sa mali.

Kabilang sa mga na-access ng hackers ay mga pangalan, email address o phone numbers ng 29 mil­yong Facebook users.

Napag-alaman na nasa 14 milyong accounts ang pinakaapektado dahil nakakuha ang hackers ng mas maraming data gaya ng hometown, birthdate, huling sampung lugar na nag-check in ang bawat user o labing limang recent searches.

Gayundin, may isang milyong accounts naman na apektado pero bigo raw ang hackers na makakuha ng mga impormasyon sa mga ito.

Sa pangyayaring ito, plano ng Facebook na magpadala ng mensahe sa bawat accounts na na-hack.

One thought on “29M FB ACCOUNTS  NA-HACK”

Comments are closed.