INILUNSAD nitong Linggo ng The Albay Youth Organizations, Inc. (TAYO Inc.), Department of Education (DepEd), at United States Agency for International Development (USAID) ang ‘2D Module Legends – 2D On-Air Learning Project,’ isang ‘distance learning system’ na nakabase sa brodkas ng radyo.
Layunin ng proyekto na gawing kapaki-pakinabang at patas para sa lahat ang malayuang sistema ng pag-aaral na ginagawa ngayon dahil sa bantang panganib ng pandemyang Covid-19. Itoý magkatulong na isinusulong ng mga institusyong lokal, pambansa at internasyunal.
Sinusuportahan din ang proyektong MODULE LEGENDS ng tanggapan ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda na namahagi ng 1,500 ‘radio sets’ nang ilunsad ito kung kailan nilagdaan din ang Memorandum of Agreement (MOA) kaugnay nito.
Sa paglunsad ng proyekto kung saan panauhin si Salceda, sinabi niyang lubhang mahalaga ang patas na malayuang pag-aaral upang maiwasan ang pang-habangbuhay na kawalan ng natutunan. Bukod sa mga radyong ipinamamahagi, may ambag din ang mambabatas sa gastos sa airtime ng brodkas.
“Ang pagkalugi sa natutunan sa ilalim ng hindi patas na malayuang pag-aaral ay aabot sa katumbas na 16 porsiyento ng panghabang-buhay na kita, at katumbas din ng tatlo hanggang anim na taong nawala sa dapat natutunan,” paliwanag ni Salceda na isang kilala at respetadong ekonomista.
Layunin din ng proyektong Module Legends ang lumikha at magsa-ere ng mga ‘broadcast learning modules’ sa pamamagitan ng mga lokal na estasyon ng radio. Suportado ito ng Bicol University, DepEd Division Offices sa Albay at Legazpi City, at ng Youth Development Alliance (YDA).
Inaasahang magiging isa ito sa pinakamalaking ‘radio-based learning systems’ sa bansa at magiging modelo sa ‘flexible learning system.’
“Dahil nga malimit bayunin ng malalakas na bagyo ang Albay na pumuputol sa koneksiyon ng aming koryente at kumunikasyon, nasanay na kami sa radyo bilang mahalagang pinagkukunan ng impormasyon, lalo kung may kalamidad,” pahayag ni Salceda.
“Halos lahat ng mga tahanan sa Albay ay may radyo. Kung mayron mang wala, madali na silang ibili nito kaysa umasa sa internet. Ang matagalang pagkalugi sa dapat matutunan ay malaking balakid sa pagbalik natin sa dating patuloy na pag-sulong ng ating ekonomiya,” dagdag niya.
Ayon kay Salceda, patuloy na nahihirapan ang maraming kabataan dahil wala pang tiyak na maaasahang ‘national broadband system’ na ang serbisyo ay umaabot sa mga liblib na lugar sa bansa.
“Sa Kongreso, isinusulong ko ang ‘satellite-based’ na pagtuturo sa pamagitan ng ‘Satellite Liberalization Act.’ Higit na mura ang internet sa pamamagitan ng satellite at makararating ito sa liblib na mga bahagi ng aming distrito gaya ng isla ng Rapu-Rapu kung saan hindi naman makatwiran ang magtatag ng ‘fiber optic internet’ kaya sa ngayon, radyo pa rin ang praktikal sa solusyon sa problemang ito,” madiin niyang pahayag.
Kasama sa mga lumagda sa MOA ng proyektong MODULE LEGENDS sina DepEd Usec. Anne Sevilla, TAYO Inc. founder Alfred M. Nimo, TAYO Inc. Board chairman Delton D. Triguero, Legazpi City Mayor Noel E. Rosal na chairman din ng YDA, Bicol University president, Dr. Arnulfo M. Mascarinas, at PCL-Albay president, Board Member Jesciel Richard Salceda.
791182 435522I like the valuable details you offer inside your articles. Ill bookmark your weblog and check again here frequently. Im quite certain Ill learn lots of new stuff proper here! Greatest of luck for the next! 427214
456797 892965This put up is totaly unrelated to what I used to be looking google for, even so it was indexed on the initial page. I guess your doing something proper if Google likes you adequate to spot you at the very first page of a non related search. 917311