2K BAGONG KASO NG COVID-19

DOH

SUMIPA na sa 545,300 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 2,022 panibagong COVID-19 cases araw ng Biyernes, Pebrero 12.

Nasa 33,151 naman ang mga aktibong kaso.

Samantala, 333 ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umakyat na 500,654 ang total recoveries sa nasabing sakit.

Habang 26 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 11,495 na ang death toll ng coronavirus sa bansa.

Comments are closed.