CAMP AGUINALDO – NAGSASAGAWA na ng imbestigasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung may katotohan ang report na tinatayang 2,000 hanggang 3,000 miyembro ng People’s Liberation Army (PLA) ng China ang nasa Filipinas.
Kasunod ito nang ibinulgar ni Senador Panfilo Lacson na head ng Senate committee on national defense and security, na nasa bansa ang miyembro ng PLA para sa isang immersion mission pero hindi pa matukoy kung ano ang eksaktong layunin nila.
Ayon kay AFP chief of staff General Felimon Santos Jr, nakikipag-ugnayan na sila sa mga kaukulang ahensya para makumpirma ang impormasyon na hawak ni Senator Ping Lacson.
Napag-alamang ang PLA ay organisasyon ng land, sea at air forces ng China at isa sa pinakamalaking military forces sa buong mundo.
Sinabi ni Lacson, kung totoo ang impormasyon ay dapat tayong mabahala lalo’t may isyu sa West Philippine Sea.
Maging ang biglang pagtaas ng dami ng mga Tsino sa bansa at ang laki ng perang pumapasok sa bansa mula sa mga Chinese national. REA SARMIENTO