AABOT sa 2,000 akusadong miyembro ng MS-13 at Barrio-18 gang na may iba’t ibang kasong kriminal ang inilipat sa 40K-person-capacity prison na tinaguriang “mega- prison” na kinokonsiderang largest sa Tecoluca, El Salvador sa Central America nitong nakalipas sa Biyernes ng umaga.
Ito ang pahayag ng El Salvador government sa pangunguna ni President Nayib Bukete kung saan sinabi nito sa kanyang twitter account, “This will be their new home where they won’t be able to do any more harm to the population.”
Sa ipinalabas na video ni Bukete, ang libu-libong preso ang kinalbo ay naka-white shorts, barefoot, at pawang tadtad ng gang tattoo sa katawan kung saan isinakay sa mga bus patungo sa mega-prison na may 8 gusali.
Sa 32 selda sa kada gusali ay 100 preso lamang ang maikukulong sa isang selda na may isang sinks at 2 restroom habang guwardiyado ang tower na imposibleng may makapuga.
Nabatid na kinausap ni President Bukele ang mga kaalyado sa El Salvador Congress na magpasa ng state of exception kaugnay sa suspension ng ilang constitutional rights na nag-ugat sa dramatic spike ng bayolenteng patayan ng mga kaanib ng gang.
Magugunita na aabot sa 64K suspek ang nasakote sa inilatag na anti-crime dragnet operation kung saan kahit walang warrant ay maaring arestuhin at ang detinido ay walang right na kumuha ng abogado.
Nakipag-argumento naman ang human rights organization dahil sa nadadamay ang mga inosenteng tao sa nasabing policy ni Bukele subalit nanatiling popular sa nasabing bansa.
MHAR BASCO