2K MARALITA, NAKINABANG SA FEEDING PROGRAM NG NATIONAL PRESS CLUB

npc

MULI na naman naglunsad ang National Press Club sa ikalawang pagkakataon ng feeding program para sa mga nagdarahop na kaba bayang hindi naaabutan ng ayuda sa Maynila.

Pinangunahan nina NPC President Rolando Lakay Gonzalo at Vice President Paul Gutierrez ang naturang  pagpapakain sa nasa 2,000 pawang mga palaboy sa lansangan, vendors, indigent residents, tricycle drivers at iba pa na bumisita sa tapat ng NPC Building sa Intramuros, Manila.

Ayon kay NPC President Lakay Gonzalo, tulong tulong ang mga opisyales ng NPC at miyembro para tulungan ang mga kasapi ng NPC gayundin ang mga mahihirap na sektor ng lipunan ay pilit inaabot ng pambansang samahan ng media dulot ng   patuloy na suporta ng mga partners ng NPC ouon hanggang ngayon.

Kasunod nito, ipinarating naman ni Gutierrez na siyang nasa likod ng inisyatibong feeding program na naging matagumpay ang proyekto bunsod ng patuloy na suporta’t pagtitiwala ng mga kaibigan ng NPC partikular si dating Candaba, Pampanga mayor Engr. Danilo Baylon, chairman ng DanWay Processing Corporation gayundin si president Aniway Baylon.

Ani Gutierrez, simula nabg ipinairal ang enhanced community quarantine (ECQ) ay walang tigil ang isinasagawang tulong ng mga opisyales ng NPC at nangakong hindi bibitiw sa pagseserbisyo ang NPC sa mga miyembro nito at nagdarahop na kababayan hangga’t hindi natatapos ang kasalukuyang krisis dulot ng kumakalat na sakit na Covid-19.

Tinanggap kamakalawa ng mga opisyales ng NPC ang mga ayudang 50 sakong bigas, 500 pirasong dressed chicken at 5,000 native eggs mula Pampanga sa pamamagitan ng DanWay Missionaries sa tulong ng media friends na sina Joel Gorospe at Gina Mape ng radio DWWW. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.