NASA mahigit na 2,000 medical at healthcare frontliners ang nabakunahan na kontra COVID-19 mula sa iba’t ibang ospital sa Las Pinas City simula nang umpisahan ang vaccination roll out nitong Marso 9.
Ang vaccination program ng Las Pinas City Government na may temang “Ligtas na Las Pinero,Lahat Bakunado” ay sinimulan sa itinakdang vaccination site sa University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) Gymnasium sa Barangay Pamplona Tres.
Unang naturukan ng Sinovac ang 300 medical at healthcare workers liner ng Perpetual Help Medical Center (PHMC).
Sinundan ito ng pagtuturok ng bakuna ng Sinovac at Astrazeneca para sa iba pang frontliners sa UPHSD gymnasium at sa ikaapat na palapag ng Las Pinas Doctors Hospital (LPDH).
Gayundin, daan-daang medical,healthcare frontliner at empleyado ng PHMC,LPDH,Pope John Paul II Hospital and Medical Center, Christ the King Medical Center, A. Zarate General Hospital at Alabang Medical Center ang nabakunahan na.
Nagpatuloy pa rin ang vaccination kahapon ng AstraZeneca vaccine sa 200 empleyado ng PHMC kaya umabot na sa 2,029 frontliner ang nabakunahan na layuning mabigyan ng proteksiyon laban sa sakit ngayong panahon ng pandemya.
Ibinuhos ng Las Pinas City Government ang P250 milyong pondo para sa pagbili ng mga bakuna at karagdagan pang COVID-19 vaccines upang masiguro nito ang 500,000 doses na target mabakunahan ang lahat ng mga taga-Las Pinas para matiyak ang seguridad sa kalusugan, kaligtasan at kapakanan. MARIVIC FERNANDEZ
162328 965293The Twitter application page will open. This is good if youve got some thousand followers, but as you get much more and more the usefulness of this tool is downgraded. 35990