2K PULIS SA CL LUMAHOK SA LOCAL ABSENTEE VOTING

CENTRAL LUZON-TINATAYANG nasa 2,053 na mga pulis sa Gitnang Luzon partikular sa Camp Olivas sa Pampanga ang maagang sumalang sa absentee voting.

Ang nasa 106 na bumoto ay nakatalaga sa Regional Headquarters habang 139 naman ay nagmula sa Regional Mobile Force Battalion 3.

Nagsimula ang absentee voting nito lamang Abril 27 na inaasahang matatapos sa 29 na nagsimula ganap na alas- 9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Ayon kay PRO3 Director BGen Matthew P Baccay sa pamamagitan ng absentee voting ay pinapayagan ang mga pulis na makilahok sa pambansang halalan dahil sa estado ng kanilang mga trabaho.

Ang mga kandidato sa national position tulad ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, Senador at Partylist representatives ang maaring iboto. THONY ARCENAL