KABUUANG 1,993 bagong medical at health professionals ang madaragdag sa workforce ng Depart-ment of Health (DOH) sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) upang magkaloob ng de kalidad na serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan sa rehiyon.
Nanumpa na sa tungkulin ang mga naturang health worker bilang mga bagong government employee ng DOH at ang naturang aktibidad ay sinaksihan mismo nina Health Secretary Francisco Duque III, at Regional Director Eduardo Janairo, sa Alonte Sports Arena sa Biñan City, Laguna.
Ayon kay Duque, ang pagkuha ng mga bagong health worker sa ilalim ng Human Resource for Health (HRH) Deployment Project ng DOH ay bahagi ng kanilang pagsusumikap na higit pang palakasin ang health workforce upang makapagpatupad ng public health at clinical services sa mga rural health units.
“We need to strengthen primary health care and we need to do this together to ensure the success of the Universal Health Program. Wala ang primary care na napakaimportante sa ating health system kung wala kayo!,” pahayag ni Duque sa mga bagong health worker.
Sinabi pa ni Duque na target ng DOH-HRH program na makapag-employ ng kabuuang 26,389 health professionals na ide-deploy sa mga lalawigan sa buong bansa.
“We have already started in the deployment of the necessary manpower in deprived areas to provide immediate health care services and will continue to do so gradually to achieve our goal of universal health care,” aniya.
Ayon naman kay Janairo, ang bagong health workers ay binubuo ng mga doktor, nurse, midwives, medical technologists, dentists, pharmacists, nutritionist-Dietitians, Physical Therapists, UHC Implementers at Public Health Associates na magkakaloob ng suporta sa implementasyon ng health ser-vices para maipaabot ang Universal Health Care (UHC) sa mga komunidad sa rehiyon.
Nabatid na ang 1,993 HRH ay ide-deploy umano sa mga lalawigan ng Cavite (324), Laguna (403), Batan-gas (410), Rizal (360) at Quezon (496).
“They will ensure access to essential quality health services at the appropriate level of care,” ani Janairo. “These new health workers will serve under Contract of Service (COS) from June to December. They will enjoy full benefits similar to what a permanent employee receives.”
Hinikayat rin naman ni Janairo ang mga bagong propesyunal na magsilbi sa publiko ng may dedikasyon at compassion sa trabaho.
“Ang pagtatrabaho sa gobyerno ay hindi para sa ating mga sarili lamang. Lagi nating tatandaan na ito ay ginagawa natin para sa ating bayan. Huwag nating kakalimutan ang naging sakripisyo ng mga naunang kawani ng pamahalaan na nagsilbi ng may malasakit upang mapangalagaan ang ating kalusugan. Kaya isapuso natin na ginagawa natin ito para sa ating bayan!” aniya pa. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.