HANOI — Mag-eexport ang Vietnam ng dalawang milyong doses ng bakuna laban sa African swine fever (ASF) sa Pilipinas sa Oktubre.
Ito ang inihayag ng Vietnamese government, mahigit isang linggo makaraang aprubahan nito ang domestic use ng unang commercial vaccines laban sa ASF sa buong mundo.
Ang ASF ay ilang taon nang pumipinsala sa $250 billion global pork market.
Sa pinakamalalang outbreak noong 2018-19, kalahati ng domestic pig population ay namatay sa China, ang pinakamalaking producer sa buong mundo, na nagdulot ng pagkalugi na tinatayang mahigit $100 billion.
Ang bakuna na ipadadala sa Pilipinas ay ginawa para sa commercial use ng AVAC Vietnam JSC.
Ang kompanya ay nakapagpadala na rin ng 300,000 doses sa Pilipinas magmula nang aprubahan ito.
“The shipment signaled huge export potential,” ayon sa Vietnamese government.
Inaprubahan ng Vietnam noong nakaraang buwan ang domestic commercial use ng dalawang African swine fever vaccines—NAVET-ASFVAC at AVAC ASF LIVE— na co-developed ng Vietnamese companies at researchers mula sa United States.
Mahigit sa 650,000 doses ng bakuna ang sinubok na sa hog herds sa 40 lalawigan sa buong bansa, na may effica- cy rate na 95%.