2M BAKUNA NAITUROK NA SA MAYNILA

SINABI ni Manila Mayor Isko Moreno na kahit na kailangang ipatigil ang pagbabakuna sa kabisera ng bansa noong Miyerkules ng hapon dahil sa down online system, ang bilang ng mga bakuna na naibigay na sa simula pa lamang ng vaccination program noong Marso ay umabot pa rin sa mahigit dalawang milyon.

Ani Moreno, base sa paunang imbestigasyon, ang naging problema sa sistema ay teknikal, bagaman hindi isinasantabi na may ibang anggulo o dahilan ang paghinto ng vaccination.

Ang vaccination ay hininto bandang alas-4 ng hapon ng Miyerkules sa hindi pa matiyak na kadahilanan.

Magugunitang ilang beses ng pinagtangkaan na isabotahe ng mga computer hacker ang sistema sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa alkalde, sa ulat ng Manila Health Department na ang lahat ng vaccination sites na ginagamit para sa pagtuturok ng first dose at second dose ay ipinahinto bunga ng technical problems.

Nakapag-deploy na ang lokal na pamahalaan ng 2,009,171 bakuna kung saan 1,265,473 ang first dose at 792,505 ang fully vaccinated.

Igiinit ng alkalde na hindi man magdudulot ng immunity ang pagiging bakunado ay kaya naman nitong proteksiyunan ang publiko na hindi mauwi sa severe o kritikal ang kondisyon sakaling mahawa ng COVID-19. VERLIN RUIZ

5 thoughts on “2M BAKUNA NAITUROK NA SA MAYNILA”

  1. 526736 245791Somebody necessarily support to make seriously articles I may state. That could be the really very first time I frequented your internet page and to this point? I surprised with the research you produced to make this actual put up wonderful. Fantastic task! 605819

Comments are closed.