2M KATAO APEKTADO NG EL NIÑO

NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga pamilyang apektado ng El Niño Phenomenon sa bansa.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), umakyat na sa higit sa 471,000 pamilya o katumbas ng dalawang milyong indibidwal ang apektado ng El Niño.

Sa ngayon, nasa 11 rehiyon sa bansa ang pinaka-apektado kabilang ang Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas at BARMM.

Kasunod nito, ang patuloy pagpapaabot din ng DSWD ng tulong sa mga rehiyong apektado ng tagtuyot.

Mula nitong Martes, sumampa na rin sa P64.5 milyong halaga ng humanitarian assistance ang naihatid ng ahensiya.

Nananatili rin na nakaantabay ang higit P2 bilyong pondo ng ahensya para umagapay sakaling madagdagan ang apektado ng El Niño.
P ANTOLIN