2nd 7IDWIDE BLOODLETTING INILUNSAD

SA ikalawang pagkakataon, muling nagsagawa ng bloodletting activity ang 7th lnfantry (KAUGNAY) Division sa ilalim ng pamumuno ni Army Major General Andrew D Costelo.

Katuwang sa programa ang Office of Assistant Chief of Staff for Civil Military Operations Lt.Col Ronnel B Dela Cruz, Civil Military Operations (GWAPO) Battalion Lt.Col. Jerald L Reyes, Kaugnay Media Defense Corps na pinamumunuan naman ni President Jordan Donato llustre at Dugong Alay Dugtong Buhay sa pamumuno naman ni Napoleon Marilag.

Isinagawa ang blood letting sa Kaugnay Covered Court sa Camp Fort Ramon Magsaysay sa Palayan City, Nueva Ecija kasabay ng ika- 124 taon ng Araw ng Kalayaan.

Layon ng “Dugong Alay ng Kaugnay, Dugtong ng Inyong Buhay”, makatulong sa mga sundalo at mga Pilipinong nangangailangan ng dugo.

Ayon naman kay Ilustre na isang registered nurse, lubhang napaka importante ang pagkakaroon ng reserbang dugo para makapag dugtong ng buhay.

Sinabi naman ni GWAPO Batallion Chief Reyes, una nang isinagawa ang first 7IDwide Bloodletting noong Marso 19 2022.

Samantala, nakakolekta ng 995 bags na may katumbas na 447,750 cc ng dugo ang Dugong Alay Dugtong Buhay Foundation. THONY ARCENAL