2ND BFAR TILAPIA INTENSIVE HATCHERY SA CALABARZON NAGSIMULA

TAGUMPAY na nakapag­lunsad ang Bureau of Fishe­ries and Aquatic Resources (BFAR) ng Department of Agriculture, sa Regional Office sa CALABARZON ng second tilapia intensive hatchery.

Ayon kay BFAR National Director Eduardo Gongona, ang hatchery ay may anim na fry trough at hatching jars, at makakapag-produce ng 300,000 fry in sa loob lamang ng tatlo hanggang limang araw.

Layon ng hatchery na kumpletuhin ang four rounds ng hatching per month. Sa 95% hatching rate at  80% survival ng fry, kaya ng hatchery na mag-produce ng  halos 960,000 fry bawat buwan.

Ang tilapia Intensive Hatchery ay tipo ng artificial breeding ng tilapia kung saan kinokolekta ang itlog mula sa bibig ng female breeders, ini-incubate sa pasilidad ng Artificial Incubation System, at inilalagat sa hatching jars hanggang ma-hatch at maka-swim-up ang fry para palakihin.

Ang nasabing technology ay naiiba sa ibang klase ng hatcheries kung saan ang natural na nilalahian ang breeders sa breeding units, at ang mga itlog ay incubated at hina-hatch sabibig ng female breeders. Matapos ito, palalabasin ito sa bibig bilang swim-up fry.

Ang produksyon sa Intensive Hatchery ay pare-pareho ang laki at mataas ang kalidad kumpara sa traditional method. Mabilis din ang economic return nito at maaga rin ang disposal nito. – KAYE NEBRE MARTIN

8 thoughts on “2ND BFAR TILAPIA INTENSIVE HATCHERY SA CALABARZON NAGSIMULA”

  1. 901243 630162Id need to check with you here. Which is not something I typically do! I enjoy reading a post that will make folks think. Also, thanks for allowing me to comment! 562695

  2. I’m now nott certan wheree you’re getting our info,
    however goood topic. I needs too spendd some time finding outt mucch moee orr understanding more.
    Thannk you for great information I used too be iin searchh of this injformation for my mission.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *