2nd BOL PLEBISCITE GENERALLY PEACEFUL- AFP, PNP

COL DETOYATO

LANAO DEL NORTE – NAGING mapayapa ang ikalawang yugto ng plebesito para sa Bangsamo Organic Law (BOL).

Ito ang naging pagtaya ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at maging ng Commission on Elections (COMELEC).

Sa pagtatapos ng ng plebisito, inihayag ni AFP Public Affairs’ Office chief Col. Noel Detoyato na “no untoward incident.”

Ayon sa report ng AFP sa naging pagpapasya ng mga taga-Lanao del Norte, 80% ang bumoto at walang kaguluhang naganap.

Samantala, umabot naman sa mahigit 7,000 pulis ang idineploy sa 22 bayan sa Lanao del Norte at pitong munisipalidad sa North Cotabato.

Sa kabuuan, sa pagtaya ng pulisya ay matagumpay na naging mapayapa ang plebisito.

Magugunitang noong Martes ay nagtungo sa Cotabato City si PNP Chief, DG Oscar Albayalde upang personal na bilinan ang mga pulis partikular ang isang batalyong SAF trooper para bantayan ang mga polling precinct. VERLIN RUIZ

Comments are closed.