PREPARADO na ang ikalawang coffee festival ng La Trinidad, ang capital town ng lalawigan ng Benguet.
Ayon kay Municipal Tourism Officer Valred Olsim, bubuksan ang La Trinidad Coffee Festival sa Pebrero 7 hanggang 10 na may temang “Brewing Unity through Coffee 2019.”
Aniya, tampok ngayong taon ang farm visit para sa mga coffee enthusiast kung saan bibisita sila sa mga coffee farm sa Bantay Farms, Benguet State University, at ilang taniman ng kape sa La Trinidad.
Sinabi niya na unlimited din ang kape sa municipal park pero dapat magdala ang mga gustong magkape ng sariling lalagyan ga-ya ng tasa.
Kasama sa iba pang aktibidad sa festival ang coffee conference, barista demonstration, coffee cupping, coffee roasting at show-casing ng mga coffee product.
Inilunsad ang nasabing festival noong nakaraang taon sa pamamagitan ng free-flowing coffee.
Layunin ng festival na palakasin ang iba’t ibang organisasyon ng mga coffee farmer ng La Trinidad. PILIPINO Mirror REPORTORIAL TEAM