2ND COVID-19 ISOLATION FACILITY BINUKSAN

Isolation

QUEZON- ISA pang COVID-19 Temporary Isolation Facility ang binuksan para sa mga nagpositibo sa virus subalit, ‘asymptomatic’ o walang sintomas na nararamdaman.

Pinangunahan ni Quezon Governor Danilo Suarez kasama sina Candelaria Mayor Macario Boongaling,Vice Mayor Suayan,at Sangguniang Bayan ang blessing at inagurasyon nito sa may bahagi ng Barangay Malabanban Sur, bayan ng Candelaria.

Ang naturang pasilidad ay mayroong 12 kuwarto na may tig-isang higaan,comfort room, kuryente at tubig na magagamit ng mga pasyente.

May mga medical staff din ito na magpapalitan ng duty 24-oras na siyang mangangalaga at mag-aasiste sa mga pangangailangan ng mga pasyente.

Bukod sa proyektong COVID-19 Temporary Isolation Facility, nagbigay din si Suarez ng karagdagang 30 kama na may side table, medical supplies,PPE sets,Vitamins,face mask, alcohol,at disinfectant.

Ito na ang ikalawang pasilidad sa lalawigan ng Quezon na binuksan para sa mga taong tinamaan ng COVID-19 bukod pa sa naunang Temporary Isolation Facility na binuksan sa bayan ng Gumaca, mahigit isang buwan na ang nakalilipas. BONG RIVERA

Comments are closed.