2ND DAY NG WORLD SLASHER SEMIS SISIYAPOL SA BIG DOME

LALONG tumitindi ang salpukan sa 2018  World Slasher Cup Invitational 9-Cock Invitational Derby 2 sa paghaharap ng mga kalahok sa ikalawang araw ng 3-cock semifinal round ngayong araw sa Smart Ara­neta Coliseum.

Ang anim na araw na international derby, na suportado ng Thunderbird, Petron, Excellence Poultry and Livestock Specialists at  media partners tulad ng PitGame Media Inc. ni Manny Berbano, The Journal Group, PILIPINO Mirror, Balita at Tempo, ay nilahukan ng daan-daang entries mula sa mga bigating breeder sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kabilang sa mga kalahok sa araw na ito na may tig-dadalawang panalo ay sina Jess Moradas, Rene Medina ng California, Jun Ranola, Pol Estrellado, Jervy Maglunob, Julia Nicole, Ricky Magtuto, Tony Marfori, Gov. Claude Bautista, Marvin Rillo, Nelson Uy, Jun Lao, Boyet Legazpi, Amante Capuchino, Frank Berin at Mayor Francis Espi­ritu.

Kakasa rin sina Bel Almojera ng Florida, USA, Doc Ayong Lorenzo (DVH JSY Excellence), Jun Bacolod at Danny Buldog na may tig-1.5 points.

Ang mga kalahok ay kinakailangang makapagtala ng four points o higit pa para siguradong makapasok sa ­championship. NEIL A. ALCOBER

Comments are closed.